Ukol sa bayarin

Kung walang dalang sulat ng pagpapakilala

Karagdagang bayad para sa pasyenteng nagpatingin sa unang pagkakataon nang walang sulat ng pagpapakilala

Kung direktang pumunta sa ospital na ito nang walang dalang sulat ng pagpapakilala mula sa ibang ospital, opisina ng doktor o pagamutan, may natatanging bayarin para sa unang pagpapatingin na 5,500 yen (kabilang ang tax), at 3,300 yen (kabilang ang tax) naman para sa oral surgery. Gayunpaman, hindi sinisingil ang nabanggit na halaga sa mga pasyenteng napapaloob sa saklaw ng medikal na sistema ng pagtanggap ng benepisyo mula sa publiko, pasyente ng mga kasong aksidente sa trabaho, aksidente sa paninilbi bilang lingkod-bayan, aksidente sa kalsada, sariling bayad na pagpapatingin at pagpapagamot, atbp.

Bayarin para sa piling pagpapagamot sa oras ng muling pagsusuri

Sa kaso kung saan ang aming ospital ay nagbigay ng sulat ng pagpapakilala upang i-refer ang pasyente sa ibang ospital o klinika na mayroong mas mababa sa 200 kama, at kapag hinahangad ng pasyente na magpatuloy na magpatingin sa aming ospital, pagbabayaran siya ng 2,750 yen (kabilang ang tax) (1,650 yen (kabilang ang tax) para sa Departamento ng Dentistry at Oral Surgery) maliban sa bayad sa muling pagpapatingin.

* Ang karagdagang bayad para sa para sa pasyenteng nagpatingin sa unang pagkakataon nang walang sulat ng pagpapakilala / para sa piling pagpapagamot sa oras ng muling pagsusuri
ay isang sistemang ipinakilala ng pamahalaan upang itaguyod ang paghahati ng mga tungkulin ng mga medikal na institusyon. Ang paghahati ng mga tungkulin ng mga medikal na institusyon ay nangangahulugang ang pang-araw-araw na pamamahala sa kalusugan, paggamot ng mga di-malalang sakit at sugat ay isinasagawa ng lokal na klinika ("regular na doktor"), habang ang mga dalubhasang pagsusuri at mataas na antas ng paggamot ay isinasagawa ng "ospital". Sa pamamagitan nito, ang mga klinika at ospital ay magtutulungan upang magbigay ng mabisang paggamot.

Ginagampanan ng aming ospital ang tungkulin ng acute care hospital. Mangyaring magdala ng isang sulat ng pagpapakilala mula sa inyong regular na doktor kapag magpapatingin kayo sa amin.

Bilang karagdagan, kapag nakumpleto ang mga kinakailangang pagsusuri at paggamot sa acute phase sa aming ospital, isasangguni kayo namin sa inyong regular na doktor. Kung sakaling nagbago ang inyong lagay ng sakit, magsasagawa kami ng mga hakbang na naaangkop sa sitwasyon habang nakikipagtulungan sa inyong regular na doktor.

Hinihiling namin na maunawaan ninyo ang tungkulin na ginagampanan ng aming ospital, at ang inyong kooperasyon.

* Para sa pagbubuntis/panganganak, exempted sa pagbabayad ng buwis.

Payment machine para sa mga bayarin sa pagpapatingin at paggamot

Matatagpuan ito sa "Katarai Hall" ng ika-1 palapag.
Kapag lumabas ang numero ng "papel ng reception para sa pagpapatingin at paggamot" sa "electric bulletin board" ng "reception ng mga bayarin," ihanda ang patient registration card at magbayad.
Kung hindi magamit ang payment machine para sa mga bayarin sa pagpapatingin at paggamot, pumunta sa "reception ng mga bayarin."

Pagbabayad sa pamamagitan ng credit card

Maaaring gumamit ng credit card sa pagbabayad sa paying machine para sa mga bayarin sa pagpapatingin at paggamot, sa reception ng mga bayarin, at sa outpatient reception ng Advanced Critical Care and Emergency Center (JCB / VISA / MasterCard / American Express / Diners Club / *Discover)
*Para lamang sa Discover, hindi ito maaaring gamitin sa paying machine para sa mga bayarin sa pagpapatingin at paggamot