General Perinatal Medical Center

Impormasyon tungkol sa pagbubuntis at panganganak

Perinatal Maternal at Child Medical Center

Tungkol sa pagpapareserba para sa panganganak

Para sa mga kasalukuyang nagpapatingin sa aming ospital

Magpapareserba sa bandang ika 9-10 linggo ng pagbubuntis, kung kailan mapagpapasyahan ang inaasahang petsa ng panganganak

Para sa mga nais na bumalik sa sariling bayan upang manganak sa aming ospital

Tungkol sa pagtatrato sa pansamantalang pagpapareserba para sa mga babalik sa sariling bayan upang manganak, ngayong mayroong COVID-19
  • Sa pangkaraniwan, kinakailangang magpasuri nang minsan sa mas mababa sa 22 linggo ng pagbubuntis, ngunit hindi na ito kinakailangan upang maiwasang ma-impeksyon ng COVID-19. Sa kasalukuyan, nagsasagawa kami ng pansamantalang pagpapareserba sa telepono.
  • Kapag nakikipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng telepono, mangyaring sabihin ang inyong (1) pangalan, (2) petsa ng kapanganakan, (3) petsa ng pagpapareserba ng panganganak, (4) address, (5) numero ng telepono, at (6) kung mayroon kayong patient registration card para sa aming ospital, mangyaring ibigay ang numero ng patient registration card sa contact sa ibaba.
    Tumawag sa pagitan ng 16:00-17:00, Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang Sabado, Linggo, at piyesta opisyal)
    Mangyaring tawagan ang pangunahing numero ng ospital sa 0853-22-5111 at magpakonekta sa Health Guidance Office. Makikipag-usap sa inyo ang isang komadrona sa outpatient clinic ng Departamento ng Obstetrisya at Ginekolohiya , at pagkatapos ay kukunsulta sa inyong doktor upang matukoy kung posible ang pamamahala sa inyong panganganak kapag umuwi sa sariling bayan.
  • Ang mga nagpareserba para sa panganganak ay kinakailangang sumailalim sa isang pagsusuri sa kalusugan ng buntis sa aming ospital mula sa ika-34 na linggo.
  • Kung kayo ay uuwi mula sa isang lugar kung saan hindi kayo pinapayagan na bisitahin kami, maghihintay kayo ng dalawang linggo sa bahay. Kung walang mga abnormalidad pagkalipas ng dalawang linggo, mangyaring pumunta sa ospital sa nakareserbang araw ng konsultasyon. Sa kasong iyon, mangyaring siguraduhing magpasuri sa kalusugan ng buntis sa inyong nakaraang doktor bago umuwi upang hindi masyadong mahaba ang agwat sa pagitan ng pagsusuri sa kalusugan ng buntis.
  • Mangyaring tandaan na kung magpapasuri pagkalipas ng 35 linggo, hindi namin kayo maseserbisyuhan dahil hindi namin magagarantiya ang pamamahala ng kalusugan ng ina.
  • Kung nagbubuntis ng dalawa o higit pa, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng telepono sa lalong madaling panahon.
  • Hindi namin tinatanggap ang reserbasyon ng pagpapanganak sa pamamagitan ng Internet, at sa oras ng pagpapatingin ng pamilya.
  • Para sa mga may utos ng doktor na mamahinga dahil may morning sickness o pagsusuka sa pagbubuntis, o kaya ay may mataas na posibilidad na malaglag ang bata, kumonsulta sa regular na doktor tungkol sa paraan ng transportasyon at panahon ng pag-uwi sa bayang kinaroroonan ng magulang.
  • Hangga't maaari, magdala ng sulat ng pagpapakilala. Maaaring magpatingin kahit walang sulat ng pagpapakilala, ngunit kailangang magbayad ng 5,000 yen (exempted sa tax) bilang "karagdagang bayad para sa pasyenteng nagpatingin sa unang pagkakataon nang walang sulat ng pagpapakilala."
  • Sa unang pagpapatingin, pakidala ang sulat ng pagpapakilala, health insurance card at patient registration card sa aming ospital (kung mayroon).
  • Sa unang pagpapatingin, kahit hindi ito pagsusuri sa kalusugan ng buntis, pakidala ang Handbook ng Ina at Sanggol.
  • Hindi na kailangang magpatingin sa kalagitnaan kung nagpareserba nang isang beses sa unang bahagi, ngunit mula sa ika-34 linggo ng pagbubuntis, sa pinakahuling panahon, sumailalim sa pagsusuri sa kalusugan ng buntis sa aming ospital.
  • Hindi maaaring gamitin ang pormularyo ng pagpapatingin para sa pagsusuri sa kalusugan ng buntis kung hindi nakarehistro sa aming ospital ang munisipalidad na inyong tinitirahan. Kumpirmahin ang bagay na ito sa munisipyo ng lugar na tinitirahan bago ang ika-34 linggo kung kailan uuwi sa bayang kinaroroonan ng magulang.
  • Hindi nagsasagawa ng reserbasyon para sa unang pagpapatingin. Pumunta sa reception sa pagitan ng 8:30 ~ 11:00 ng umaga ng weekday, maliban sa Sabado, Linggo at araw ng pista.