Ukol sa gamot

Pagrereseta para sa loob ng ospital

Para sa mga tatanggap ng gamot sa loob ng ospital (pagrereseta para sa loob ng ospital)

Pumunta sa "reception para sa gamot" sa loob ng Katarai Hall (mula sa main entrance, lumiko sa kanan).
Kapag naihanda na ang inyong gamot, lalabas sa "electric bulletin board" ang numerong nasa papel para sa pagkuha ng gamot. Ipapasa sa inyo ang gamot kapalit ng papel para sa pagkuha ng gamot.

Pagrereseta para sa labas ng ospital

Para sa mga tatanggap ng gamot sa labas ng ospital (pagrereseta para sa labas ng ospital)

Pumunta sa "FAX corner" na nasa timog na banda at mismong harap ng "reception para sa gamot."
Mula sa "FAX corner," ipapadala sa "health insurance pharmacy" na nais ninyong puntahan ang "reseta para sa labas ng ospital."
Pakitanggap ang inyong gamot mula sa napiling "health insurance pharmacy."

Paraan ng pag-inome

Inumin ang gamot kasabay ng isang baso ng malamig na tubig o mainit na tubig.

  • Pagkatapos kumain:Gawing pamantayan na inumin ang gamot sa loob ng 30 minuto pagkatapos kumain.
  • Bago kumain:Gawing pamantayan na inumin ang gamot sa loob ng 30 minuto bago kumain.
  • Sa pagitan ng bawat kainan:Inumin ang gamot pagkalipas ng mga 2 oras pagkatapos kumain.

Kung nakalimutang uminom, iba ang nararapat na gawin depende sa gamot, kaya kumpirmahin ito sa consultation corner ukol sa gamot.

Paraan ng pagtagoe

Iwasan ang mahalumigmig na lugar, at hangga’t maaari, ilagay ito sa lata atbp. at itago sa malamig at madilim na lugar.
Kung kailangang dalhin ito sa labas, ilagay ito sa lugar na hindi direktang natatamaan ng init, at mag-ingat upang hindi maiwan sa loob ng kotse nang matagal na oras.
Para sa mga gamot na kailangang itago sa malamig at madilim na lugar, magkaiba ang bagay na kailangang pag-ingatan kapag dinadala sa biyahe atbp. depende sa gamot. Kumpirmahin ito sa consultation corner ukol sa gamot.