Pakiusap sa oras na manunuluyan sa aming ospital

Kung napagpasyahan na kailangang magamot sa pamamagitan ng panunuluyan sa ospital, sa pamantayan, nagsasagawa ng reserbasyon sa panunuluyan sa ospital, ngunit dahil may kasanib na Advanced Emergency Medical Service Center ang ospital, maaaring hindi patuluyin sa araw na inireserba kung sakaling puno ang lahat ng kuwarto, kaya hinihingi namin ang inyong pag-unawa sa bagay na ito.

Upang maisakatuparan sa komunidad ang medikal na paggamot na nakasentro sa pasyente, mahalaga ang paghahati ng tungkulin at pakikipagtulungan kung saan ang “regular na doktor (pagamutan/klinika atbp.)” ang magsasagawa sa pang-araw-araw na pangangalaga sa kalusugan at paggamot sa mga mababaw na sintomas at mga kasong hindi masyadong nagbabago ang kalagayan ng sakit, samantalang ang “acute care hospital” naman katulad ng ospital na ito ang magsasagawa ng mga dalubhasang pagsusuri at mataas na antas ng paggamot.
Kapag maaasahan na ang pagtatapos ng paggamot sa acute phase sa ospital na ito, maghahanda at susuporta kami nang kayo ay makapagpatuloy sa pagpapagaling sa bahay nang walang pag-aalala, sa tulong ng mga “regular na doktor” at tauhang kaugnay ng home care sa komunidad.
Sa kasong kailangan pa rin ng paggamot o pagpapagaling pagkalabas ng ospital, maaaring ilipat kung kinakailangan sa ibang medikal na institusyon sa komunidad tulad ng pagpapatuloy sa rehabilitasyon sa “Recovery Phase Rehabilitation Sickbed” sa ibang ospital o pagpapagaling sa “recuperation hospital” tulad ng Area Comprehensive Care Ward (Sickbed), o kaya ay magpatuloy sa rehabilitasyon sa “health care facility for the aged” atbp. sa layuning makabalik sa tahanan.
Hinihingi namin ang inyong pag-unawa at pakikipagtulungan sa tungkulin ng ospital na ito bilang acute care hospital.

Sa ospital na ito, nagsasagawa ng postgraduate clinical training ng mga doktor alinsunod sa Postgraduate Clinical Training Program bilang isang “designated hospital for clinical training” ng Ministry of Health, Labour and Welfare, at nagsasagawa ng practical training ng mga medikal na estudyante, nursing student, atbp. bilang isang “education-related hostpital.” Ang clinical training at practical training ay isinasagawa nang may bihasang tagapatnubay kaya walang anumang problema sa klinikal na proseso, kung kaya’t hinihingi namin ang pag-unawa at pakikipagtulungan ng mga manunuluyan sa aming ospital tungkol sa bagay na ito.
Inilalagay sa nameplate ng doktor sa unang bahagi ng clinical training ang mismong impormasyong ito, at naglalagay naman ng tape na may kulay sa nameplate ng bagong graduate na nurse.

Sa ospital na ito, sana ay inyong unawain na tumatanggi kami sa mga ibinibigay na bagay ng pasyente bilang pasasalamat. Para sa aming mga kawani, pinakamalaking kagalakan ang paggaling ng sakit ng mga nanunuluyang pasyente, at ito ang nagsisilbing pasasalamat sa amin higit pa sa anumang bagay.

Sana ay inyo ring unawain na maraming limitasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay sa panahon ng panunuluyan sa ospital, ngunit ito rin ay para sa paggaling sa lalong madaling panahon ng mga nanunuluyang pasyente.
Hinihingi rin namin ang inyong pakikipagtulungan sa paghuhugas ng kamay, pagsabi ng sariling pangalan, atbp. para sa ligtas at walang pag-aalalang pamumuhay habang nagpapagaling.

Ipinapakiusap namin na tiyaking pangalagaan ang privacy ng bawat pasyenteng nanunuluyan sa ospital, at huwag magsagawa ng anumang gawaing pampulitika o panrelihiyon, o kaya ay gawaing pangkomersyal tulad ng pamamagitan sa mga paninda o panghihimok/pang-aanyaya, atbp.

Ang ospital na ito ay isa sa mga itinalagang pasilidad kung saan maaaring magsagawa ng absentee voting para sa public offices election.

Hindi namin pinahihintulutan ang pagpunta ng pasyente sa ospital gamit ang sariling kotse, kaya’t hinihingi namin ang inyong pakikipagtulungan. Kung hindi maiiwasan ang pagpaparada ng sariling kotse, kumonsulta sa kawani sa reception pagkapasok sa ospital.

Sa panahon ng panunuluyan sa ospital, dahil sa pagbabago sa kapaligiran kung saan namumuhay at paghina ng katawan na dulot ng sakit, maaaring mangyari ang hindi inaasahang pagkatumba o pagkahulog mula sa kama at ang malubhang pinsala (pagkabali ng buto, pagdurugo, atbp.) mula rito.
Upang makapamuhay nang ligtas sa panahon ng panunuluyan sa ospital, nais naming iwasan ang pagtumba at pagkahulog sa tulong ng mga pasyente at kanilang pamilya, kung kaya’t hinihingi namin ang inyong pakikipagtulungan.

Pagbabawal sa mga gawaing nakakaabala atbp.

Sa ospital na ito, upang maisagawa nang maayos at mabilis ang ligtas at may mataas na kalidad na paggamot at mga gawain, maaaring tanggihan ang pagpapagamot sa ospital o paalisin mula sa ospital kapag nakumpirma ang mga gawaing nakakaabala at marahas na kilos tulad ng mga sumusunod. Bukod dito, kung nakapinsala sa ospital ang ginawa, maaaring singilin ng aktwal na gastos bilang kabayaran nito.
Depende sa sitwasyon, maaari ring ireport ito sa pulis.

  1. Paggamit ng dahas, pagbabanta, sexual harrassment at iba pang nakakaabalang gawain sa ibang pasyente o sa kawani
  2. Kapag nakaabala sa ibang pasyente o kawani dahil sa pagsigaw, paggamit ng marahas na salita, atbp., at nakahadlang sa gawain ng kawani
  3. Kapag sinira o dinumihan ang kasangkapan, kagamitan, pasilidad, atbp. ng ospital
  4. Kapag pumasok sa gusali o teritoryo ng ospital nang walang balak magpagamot, dumalaw sa pasyente, atbp., at hindi umalis matapos mapagsabihan
  5. Kapag paulit-ulit na nagdemanda ng bagay na mahirap gawin at nakahadlang sa gawain ng kawani
  6. Pagdadala ng mapanganib na gamit atbp.
  7. Paninigarilyo at pag-inom ng alak