Pangunahing prinsipyo atbp. ng Shimane Prefectural Central Hospital

Pangunahing Prinsipyo ng Shimane Prefectural Central Hospital

Sisikapin naming makamit ang kapayapaan ng loob ng mga residente ng prefecture at kasiyahan sa sariling trabaho ng bawat kawani, at tutulong kami sa pagbuo ng masaganang lokal na komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng medikal na paggamot kung saan nagtutulungan ang mga pasyente at manggagamot.

Prefectural Hospital Charter ng Shimane Prefecture

  1. Kami ay ligtas na magsasagawa ng medikal na paggamot nang iginagalang ang kalooban ng pasyente, sumasalig sa mataas na etikal na pag-uugali, at gumagamit ng pamamaraang dalubhasa at may mataas na antas.
  2. Bilang prefectural hospital, lilinawin namin ang tungkulin at trabaho ng aming ospital batay sa plano ng prefecture hinggil sa medikal na paggamot, at kami ay aktibong manunungkulan sa mga pamamalakad sa medikal na paggamot tulad ng emergency medical care, perinatal care, paggamot sa oras ng sakuna, paggamot sa malayo at hiwalay na lugar, atbp.
  3. Sisikapin namin na payamanin ang lokal na paggamot sa pamamagitan ng masusing pakikipagtulungan sa ibang medikal na institusyon atbp.
  4. Sisikapin namin na paunlarin ang kakayahan ng aming mga manggagamot nang sila ay asahan ng bayan.
  5. Sisikapin namin na ayusin ang kapaligiran sa lugar ng trabaho nang makapagtrabaho nang walang pag-aalala ang mga kawani.
  6. Sisiguruhin namin ang pagkapubliko ng ospital at sisikapin na gawing makatuwiran at episyente ang pamamahala ng ospital.

Patakaran sa Medikal na Paggamot ng Shimane Prefectural Central Hospital

Kami ay magsasagawa ng medikal na paggamot nang may magiliw na pagtanggap at pakikitungo mula sa puso ng bawat isa.

Ethical code ng Shimane Prefectural Central Hospital (Professional Ethics / Clinical Ethics)

Professional Ethics

  1. Tutuparin ng mga kawani ang "Mga Karapatan ng Lahat ng Pasyente."
  2. Uunawain ng mga kawani ang responsibilidad bilang mga taong nakikibahagi sa medikal na paggamot, sisikaping magkaroon ng kaalaman at kasanayan, at magsisikap upang mapaunlad ang sariling edukasyon at mapabuti ang pagkatao.
  3. Igagalang ng mga kawani ang bawat isa, at magtutulungan upang maibigay ang pinakamabuting kalidad ng medikal na paggamot.
  4. Susundin ng mga kawani ang mga ethical guidelines na itinakda ng bawat organisasyon ng mga pandalubhasang uri ng trabaho.

Clinical Ethics

  1. Tungkol sa huling yugto ng medikal na paggamot, pagkilala sa pagkamatay ng utak, paglilipat ng organ atbp., susundin namin ang bawat kaugnay nitong alituntunin at guideline kapag titingin o gagamot ng pasyente.
  2. Kung naging problema ang kaangkupan ng medikal na gawain, magbibigay kami ng medikal na paggamot na umaalinsunod sa maingat na talakayan ng Ethics Committee, atbp. ng medisina.
  3. Kapag nagsasagawa ng clinical research / clinical trial para sa pagpapaunlad ng medisina / medikal na paggamot, susundin namin ang Helsinki Declaration at bawat kaugnay nitong alituntunin at guideline, at magsasagawa ng sapat at maingat na talakayan sa Clinical Research / Clinical Trial Review Committee atbp.