Para sa mga magpapatingin bilang outpatient / manunuluyan sa aming ospital

Pagbati / komentaryo mula sa puno ng ospital

Patungo sa 2025, sa kasalukuyan ay lalong tumitindi ang daloy ng pinagkaisang reporma sa caregiving at medikal na paggamot sa Japan. Pinaplano ang pagbabago mula sa medikal na paggamot na nakabase sa ospital patungo sa medikal na paggamot na nakabase sa komunidad, at naiisip namin na kailangan din subukan ng Prefectural Central Hospital ang medikal na paggamot ng komunidad alinsunod dito. Para dito, inilunsad namin noong 2017 ang Community Medical Support Project. Bilang tulay sa pagitan ng acute care hospital at komunidad, pinapabisita namin sa mga tahanan ang mga manggagamot na may espesyalisasyon mula sa aming ospital, na nagbibigay ng patnubay sa kanilang pagbibisita bago at matapos lumabas ang pasyente sa ospital, na kinokonekta sa konsultasyong medikal sa tahanan, nursing sa tahanan, at caregiving.

Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagtitiyak sa sitwasyon sa magiging destinasyon ng pasyente bago pa man siya lumabas ng ospital, pagbibigay ng suportang naaangkop sa sitwasyon pagkalabas ng ospital, at paglilipat at paggamit ng mga ward nurse at sertipikadong nurse ng kanilang kadalubhasaan sa pangangalaga sa komunidad, magbubunga ito ng seamless na pag-uugnay mula sa acute care hospital hanggang sa tahanan.

Sa pagtanda ng populasyon at pagdami ng mga pasyente na may mga kronikong sakit sa kasalukuyan, hindi kakayanin ng mga ospital lamang ang paggamot sa mga pasyente, kung kaya’t kinakailangang makipag-isa sa komunidad upang bumuo ng isang sistemang medikal. Kung hilingin ito ng komunidad, nais naming magsumikap upang suportahan sila hangga't maaari.

Sa medikal na paggamot na nakasentro sa pasyente, inaasahan ko na laging isasaisip ng bawat manggagamot ang kanilang pasyente, at autonomous nilang maisasagawa ang pangangalagang gumagamit ng kanilang mga katangian. Pinaplano naming isagawa at dagdagan ang aming pagsisikap sa pagbibigay ng iba't ibang propesyon ng prayoridad sa mga pasyente, hindi lamang ng mga doktor, ngunit kasama na rin ang work shift sa iba pang mga propesyon, tulad ng tinatalakay sa reporma sa paraan ng pagtatrabaho ng mga doktor.

Patuloy na sumusulong ang teknolohiyang medikal, at nagbabago ang kapaligirang kinalalagyan ng medikal na paggamot, kung kaya't kailangan din magbago ang Prefectural Central Hospital ayon sa daloy ng panahon. Gayunpaman, sa palagay ko ay hindi nagbabago ang aming misyon na maglaan ng patas at makatarungang medikal na paggamot sa komunidad, at ang aming hangad na makatulong sa aming mga pasyente. Malakas naming pagtutunan ang aming misyon at damdamin para sa aming mga pasyente, at layunin naming magpatuloy na maging isang ospital na kinakailangan ng komunidad.

Oktubre 1, 2019