Gabay sa pamumuhay sa ospital

Tungkol sa pagpapatingin at paggamot

Sa ospital na ito, gumagamit ng sistema ng pangunahing doktor at in-charge na doktor. Karamihan, ang in-charge na doktor ang tutugon, ngunit huwag mag-alala dahil ang paggamot ay isinasagawa pagkatapos magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng pangunahing doktor at in-charge na doktor.
Maaaring maiba ang in-charge na doktor sa tumingin na doktor noong nagpatingin bilang outpatient, kaya't sana ay unawain ang bagay na ito.
Magbibigay ng sapat na paliwanag ang in-charge na doktor tungkol sa kalagayan ng sakit, pagsusuri, paraan ng paggamot, atbp. Huwag mag-atubiling kumonsulta sa in-charge na doktor o nars kung may katanungan, detalye na nais malaman, atbp.
Ang pagpapaliwanag ng doktor ay sa loob lamang ng pamantayang oras, kaya't sana ay unawain ito.
Ang round visit sa gabi, holiday, atbp. ay isasagawa ng in-charge na doktor sa round visit kung kinakailangan. Kumonsulta sa nars kung may bagay na nais ipaalam nang apurahan atbp. sa in-charge na doktor.
Pagkatuloy sa ospital, ibibigay ang "Plano para sa paggamot sa pamamagitan ng panunuluyan sa ospital" pagkatapos mabigyan ng paliwanag ng in-charge na doktor o nars ng hospital ward. Magtanong lamang tungkol sa anumang bagay.
Kung may nakaiskedyul na pagsusuri, proseso, atbp., magpapaliwanag ang nars bago nito. Magtanong lamang tungkol sa anumang bagay.
Ang gamot ay hahawakan ng nars, ngunit maaaring ipahawak ito sa pasyente para masanay sa paraan ng pag-inom ng gamot pagkalabas ng ospital. Sana ay unawain ang bagay na ito.
Tungkol sa gamot, magbibigay ng gabay sa pag-inom ang pharmacist. Magtanong lamang tungkol sa anumang bagay.
Sa loob ng panahon ng panunuluyan sa ospital, sa pamantayan, hindi maaaring magpatingin sa ibang medikal na institusyon o tumanggap ng gamot mula rito. Kung hindi maiwasan ang pagpapatingin, kailangang mag-isyu ng sertipiko, kung kaya't tiyaking kumonsulta sa doktor o nars ng hospital ward.

Tungkol sa pangangalaga (nursing)

Sa ospital na ito, nagpapalitan sa pangangalaga ang mga nars ayon sa sistema ng 3 bahagi ng palitan sa pagtatrabaho. Gumagamit din ito ng sistema ng pagkakaroon ng takdang trabaho ng bawat nars.
May nars na nagtatrabaho sa buong 24 oras. Kung may kailangan sa nars, gamitin sa anumang oras ang pantawag ng nars na nasa malapit sa kinalalagyan ng unan sa kama.
Naglilibot sa takdang oras ang mga nars sa gabi, kung kaya't mamahinga lamang nang walang pag-aaalala.

Tungkol sa kuwarto ng pasyente

Ang kuwarto ng pasyente ay nahahati sa kuwarto para sa 4 na tao at indibidwal na kuwarto. Kung gagamit ng indibidwal na kuwarto, babayaran ito ng mismong pasyente. Ang mga uri ng indibidwal na kuwarto ay ayon sa "Aplikasyon at kasunduan ukol sa pagpasok sa espesyal na kuwarto." Kung nais gamitin ito, isulat sa nabanggit na dokumento ang kinakailangang detalye at isumite ito. Maaaring hindi masunod ang kagustuhan depende sa lagay ng mga kuwarto ng pasyente, kung kaya't hinihingi namin ang inyong pag-unawa sa bagay na ito.
Maaari ring palitan ang kuwarto ng pasyente at hospital ward kung may dahilan na hindi maiiwasan tulad ng lagay ng sakit atbp., kung kaya't sana ay unawain din ito.
Sa ospital na ito, para pangalagaan ang privacy, hindi naglalagay ng nameplate sa pasukan ng kuwarto ng pasyente.
Sa kuwarto para sa 4 na tao, maraming pasyente ang nakasara ang kurtina sa lahat ng oras para sa kanilang privacy. Hinihingi namin ang inyong pakikipagtulungan sa pagbukas ng kurtina sa araw, hangga't maaari, upang makapagmasid ng tanawin sa labas ang bawat pasyente at maging maginhawa ang pananatili sa kuwarto, maliban lamang kung kinakailangang isara ang kurtina para iwasan ang pagkahawa sa sakit.

Tungkol sa air conditioner ng kuwarto ng pasyente

Maaaring i-adjust ang air conditioner sa bawat kuwarto ng pasyente.

  • Panahon ng paggamit ng cooler: gitnang bahagi ng Mayo ~ unang bahagi ng Nobyembre
  • Panahon ng paggamit ng heater: gitnang bahagi ng Nobyembre ~ unang bahagi ng Mayo

(Indibidwal na kuwarto)

Maaaring i-adjust gamit ang 2 control switch (temperatura, lakas ng hangin) sa malapit sa unan.

(Kuwarto para sa 4 na tao)

Maaaring i-adjust gamit ang temperature control device sa malapit sa pasukan ng kuwarto at ang control switch para sa lakas ng hangin (sa bandang koridor, o bandang bintana). Kung i-aadjust ito, tiyaking hindi makaabala ng ibang pasyente.

Magtanong lamang sa nars kung may hindi malinaw.

Tungkol sa pamumuhay sa isang araw

Ang oras ng paggising ay 7:00 ng umaga.
Ang oras ng pagpatay ng ilaw ay 9:00 ng gabi.
Kung pupunta sa tindahan o rooftop, o lalabas ng hospital ward para maglakad sa loob ng ospital, atbp., ipaalam muna sa nars kung saan pupunta.

Tungkol sa pagkain

Tungkol sa pagkain, nagbibigay kami ng pagkain para sa pagpapagaling na nakabatay sa lagay ng sakit at ayon sa utos ng in-charge na doktor. Kumpirmahin sa doktor o nars kung nais kumain ng ibang pagkain maliban sa inihandang pagkain sa ospital.

Ang oras ng pagkain ay ayon sa mga sumusunod.

  • Almusal 8:00 ng umaga
  • Tanghalian 12:00 ng tanghali
  • Hapunan 6:00 ng hapon

Sa ospital na ito, maaaring pumili mula sa 2 uri ng menu (pagpipiliang menu) para sa tanghalian at hapunan ng Martes, Miyerkules at Huwebes ang mga pasyenteng ipinaghahanda ng karaniwang pagkain, pagkain para sa kakatapos manganak, pagkain para sa estudyante ng elementarya, at pagkain para sa estudyante ng junior high school.
Dahil ang layunin ng ibinibigay na pagkain sa ospital ay ang pagpapagaling ng sakit, maipapalagay na hindi ito magugustuhan ng pasyente sa lahat ng pagkakataon. Huwag mag-atubiling kumonsulta sa in-charge na doktor o nars kung may nais ipaabot tungkol dito.
Tiyaking sumunod kung may utos na huwag kumain.
Maaaring hindi mabigyan ng pagkain depende sa oras ng panunuluyan sa ospital, kung kaya’t sana ay unawain ito.
Kung walang problema sa kalagayan ng sakit atbp., sa kapiterya ng hospital ward kumakain ang mga pasyente. Sa pagkakataong ito, ang ospital ang naghahanda ng baso, chopsticks, spoon, atbp. Kung kakain sa sariling kuwarto, maghanda ng sariling baso, chopsticks, spoon, atbp.
Tungkol sa pag-inom ng tubig, tsaa atbp. sa ibang oras maliban sa oras ng pagkain, gamitin ang kapiterya ng hospital ward. Ibibigay ito sa pasyente kung hindi nakakalakad.
Kung may nais ikonsulta tungkol sa pagkain, nutrisyon at iba pang bagay, sabihin lamang sa nars. Ang nutritionist ang tutugon kung kinakailangan.
Kung hindi na kailangan ng inihandang pagkain dahil sa paglabas o pagtulog sa labas ng ospital sa sariling dahilan ng pasyente, o pagtatapos ng panunuluyan sa ospital, atbp., maaaring singilin pa rin ng bayad para rito.

Ukol sa gamot na dinala sa sarili

Kung may gamot na palaging iniinom at bagay na nagpapaliwanag sa nilalaman nito, tulad ng prescription notebook / dokumentong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa gamot atbp., pakidala lamang ito.

Tungkol sa pagpalit ng bedsheet at paglalaba

Regular na pinapalitan ang bedsheet, ngunit papalitan din sa bawat oras na madumihan ito. Huwag mag-atubiling sabihin ito sa nars.
Sa pamantayan, iuwi ang mga labada sa sariling bahay.
Kung kailangang maglaba, gamitin ang coin laundry (washing machine, drying machine) sa bawat hospital ward o kaya ay ang cleaning corner sa ika-1 palapag.
Ang coin laundry ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng TV card.

Tungkol sa paggamit ng banyo

Gamitin lamang ang nakalaang toilet paper, at huwag gamitin ang iba pang bagay.
Kung nadumihan ang inidoro atbp., ipinapakiusap namin na huwag hayaan nang ganoon na lamang, kundi linisin sa sarili o sabihin sa nars.
Kung sumama ang pakiramdam atbp. habang nasa banyo, pindutin ang ikinabit na pantawag ng nars. Agad na darating ang nars.

Tungkol sa shower

May bathroom sa ilang indibidwal na kuwarto, ngunit karaniwan ay shower lamang ang mayroon.
Pinahihintulan ang pagsa-shower depende sa lagay ng sakit, kaya’t kumonsulta lamang.
Magpapaliwanag ang nars tungkol sa oras ng paggamit ng shower.
Kung sumama ang pakiramdam habang nagsa-shower, pindutin ang ikinabit na pantawag ng nars. Agad na darating ang nars.
Kung hindi kayang magshower, ang nars ang pupunas sa katawan gamit ang steamed towel. Sabihin lamang kung gustong punasan ang sariling katawan.

Tungkol sa Sansan Square (rooftop place)

Ang oras na bukas ang Sansan Square (rooftop place) ay ayon sa sumusunod.
6:00 ng umaga ~ 9:00 ng gabi

Kung may lilipad o lalapag na helicopter sa rooftop heliport, isasara ang Sansan Hiroma (rooftop place) para sa kaligtasan.
Sumunod sa utos ng kawani at maghintay sa loob ng gusali.

Tungkol sa mga electrical equipment

Ang TV at ref ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng TV card (mabibili sa vending machine sa loob ng kapiterya ng hospital ward). Ang halaga ng isang TV card ay 1,000 yen.

Iwasang makaabala ng ibang pasyente kapag nanonood ng TV o nakikinig ng radyo sa pamamagitan ng paggamit ng earphone atbp. May itinitindang earphone sa tindahan sa ika-1 palapag. (Kailangan ng natatanging earphone para sa radyo.) Ang mga channel ng radyo ay ayon sa mga sumusunod.

  1. FM San-in
  2. FM NHK-FM
  3. AM BSS (San-in Broadcast)
  4. AM NHK Daiichi

Para sa mga katanungan ukol sa TV card, pumunta lamang sa tindahan.
Kung may iba pang kagustuhan ukol sa mga electrical equipment, kumonsulta lamang sa nars.

Tungkol sa valuables

Hangga't maaari, huwag magdala ng valuables tulad ng pera, mamahaling metal, atbp.
Ipinapakiusap namin sa mga pasyente at kanilang pamilya na pangasiwaan ang kanilang mga valuables, hearing aid, pustiso, atbp. Hindi namin maaaring akuhin ang responsibilidad kapag may nawalang bagay.
May storage space na nasususian sa drawer ng bedside table, kaya't gamitin ito. Isauli ang susi sa dating lugar kapag lalabas na ng ospital.

Tungkol sa mga padalang bagay

Sa weekday, ihahatid ang dumating na padalang bagay sa hospital ward.
Sa holiday (Sabado, Linggo, araw ng pista, katapusan at simula ng taon), ihahatid ang dumating na padalang bagay sa susunod na weekday.

Tungkol sa suskripsyon ng diyaryo

Kung nais magsubscribe sa diyaryo na itinitinda sa tindahan sa ika-1 palapag, sabihin ito nang direkta sa tindahan. Magtanong sa tindahan para sa mga detalye.
Ang unit sales price ay pareho sa over-the-counter selling price. Ipapabayad ito sa oras ng paglabas ng ospital o kaya ay sa tindahan sa bawat katapusan ng buwan.
Kung lumipat ng hospital ward o kuwarto, o ititigil ang suskripsyon sa diyaryo, dapat sabihin ito ng pasyente sa tindahan.

Tungkol sa pagbabawal sa paninigarilyo

Bawal manigarilyo sa lahat ng lugar sa loob ng teritoryo ng ospital at sa loob ng ospital.

Tungkol sa pagsama sa pasyente

Sa ospital na ito, nagsasagawa ng pangangalagang alinsunod sa pamantayan na itinakda ng Minister for Health, Labour and Welfare, kaya hindi pinahihintulutan ang pagsama ng private nurse na binabayaran ng pasyente. Ang pangangalaga ay isasagawa ng aming nars, kung kaya't sana ay unawain ito.
Kung hiling ito ng pamilya dahil sa lagay ng sakit ng pasyente, may pagkakataon kung saan pahihintulutan ng in-charge na doktor ang pagsama (pananatili sa ospital) ng pamilya dahil kailangan nilang alamin ang paraan ng pangangalaga sa tahanan kapag nakalabas na ang pasyente sa ospital. Sa pagkakataong ito, isulat ang kinakailangang impormasyon sa "aplikasyon para sa pananatili sa ospital ng pamilya ng pasyente" at isumite ito sa nars.
Ipinapahiram sa pamilya ng pasyente ang mga kagamitan sa pagtulog, simpleng kama, atbp. sa tindahan, kaya't sabihin ito sa tindahan. Ang oras ng pagpapahiram ay mula 8:30 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Tungkol sa pagkain ng kasama ng pasyente, gamitin lamang ang kainan ng light meal at cafe atbp.

Ukol sa public phone / pagpapasa ng tawag

Tungkol sa telepono

Ang mga public phone ay nasa lobby sa ika-1 palapag, sa malapit sa elevator ng bawat palapag, atbp.
Ang public fax machine ay nasa tindahan sa ika-1 palapag.
May itinitindang telephone card sa tindahan.
Sa pamantayan, ang pagpapasa ng tawag mula sa labas ay inililimita sa tawag na emergency sa loob ng 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon, kaya't sana ay unawain ito.
Sa pamantayan, hindi sasagutin ang mga katanungan gamit ang telepono, kaya't sana ay unawain ito. Kung may bagay na dapat malaman, itanong ito sa nars sa maagang panahon.

Ukol sa paggamit ng cellphone

Tungkol sa cellphone

Maaaring maapektuhan ang mga medikal na kasangkapan sa radio wave na nanggagaling sa cellphone. Maaari ring makahadlang sa maayos na pagpapahinga ng ibang pasyente ang paggamit ng cellphone sa loob ng kuwarto ng pasyente. Kung gagamit ng cellphone sa loob ng ospital, ipinapakiusap namin na sundin ninyo ang mga sumusunod na alituntunin.

  1. Mag-ingat dahil may mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone.
  2. Sa loob ng kuwarto ng pasyente, sa pamantayan, huwag gumamit ng cellphone. Gamitin ang kapiterya ng hospital ward, rooftop place, atbp. Kung hindi maiwasan ang paggamit nito sa loob ng kuwarto, isaalang-alang ang mga tao sa paligid habang ginagamit ito.
  3. May pagkakataon na hindi maaaring gamitin ang cellphone sa indibidwal na kuwarto ng pasyente dahil sa mga medikal na kasangkapan. Humingi ng pahintulot sa in-charge na nars bago gumamit ng cellphone.
  4. Huwag gumamit ng mobile Wi-Fi router at tethering function ng smartphone sa loob ng ospital dahil nakakaapekto ito sa mga medikal na kasangkapan atbp.
  5. Kung gagamit ng cellphone, sumunod sa magandang asal upang hindi makaabala ng ibang pasyente.

Ang mga doktor, nars, atbp. ay gumagamit ng natatanging PHS para sa ospital na hindi nakakaapekto sa precision electronics na ginagamit sa medikal na paggamot atbp. Iba ito sa karaniwang cellphone, kung kaya’t sana ay unawain ang bagay na ito.

Tungkol sa emergency

Kumpirmahin ang emergency exit, emergency door, fire extinguisher, escape route, refuge place, atbp. Kung sakaling nagkaroon ng sunog at iba pang sakuna, sumunod sa utos ng kawani at lumikas nang mahinahon. (Hindi maaaring gamitin ang elevator kapag lumilikas.)

Tungkol sa consultation counter

Konsultasyon ukol sa Medical Welfare / Cancer Consultation Support Center

Huwag mag-atubiling kumonsulta kung may pag-aalala o problema o napansing bagay atbp. tungkol sa pagpapagaling. Tumatanggap din kami ng mga opinyon at konsultasyon ukol sa kaligtasan ng medikal na paggamot.

  • Hindi mapakali habang nagpapagaling dahil may inaalala
  • Inaalala ang pamilya at trabaho dahil nagkasakit
  • Inaalala ang medikal na bayarin at gastos sa pamumuhay dahil nagkasakit
  • Nag-aalala tungkol sa pagbalik sa lipunan
  • Nais malaman ang mga lugar kung saan maaaring magpagaling pagkalabas ng ospital, at mga sistema at proseso tungkol sa pangangalaga sa tahanan, pagpasok sa pasilidad atbp.
  • Nais malaman ang nilalaman ng sistema at proseso tungkol sa medical insurance, medikal na bayarin, benepisyo mula sa publiko, nursing care insurance, pensiyon, atbp.
  • Nais malaman ang tungkol sa samahan ng mga pasyente
  • Tōnyōbyō Tomo no Kai [Samahan ng magkakaibigan para sa mga may sakit na diyabetis], Izumo KA Tomo no Kai (mga gumagamit ng colostomy), Sekison no Tsudoi (Pagtitipon ng mga may pinsala sa spinal cord)
    Gan Salon [Cancer Salon] <Nagoyaka Salon>
    Jūshō Shinshin Shōgaiji Salon (Salon para sa mga batang may malubhang kapansanan) <Honobono Salon>
  • Iba pang pag-aalala tungkol sa pagpapagaling
    Lugar: Ika-1 palapag ng "Yaoyorozu Consultation Plaza," Konsultasyon ukol sa Medical Welfare, Cancer Consultation Support Center
    Oras ng pagtanggap: weekday: 9:00 ng umaga ~ 4:00 ng hapon
    * Mahigpit na pangangalagaan ang sikreto tungkol sa nilalaman ng konsultasyon, kaya't huwag mag-atubiling dumalo.

Tungkol sa second opinion

Para makapili ng paraan ng paggamot na higit na kasiya-siya para sa pasyente, at makapagpasya sa sarili tungkol sa paglaban sa sakit, maaaring humingi ng opinyon ng dalubhasang doktor ng ibang medikal na institusyon. Kung nais humingi ng second opinion sa ibang ospital, kumonsulta sa in-charge na doktor. Tungkol sa reserbasyon atbp. sa ibang medikal na institusyon kung saan hihingi ng second opinion, magtanong lamang sa consultation counter.

Ukol sa Mame Net

Mame Net

Ang Mame Net ay network ng medikal na impormasyon na nag-uugnay sa bawat medikal na institusyon.
Sa bawat medikal na institusyon sa loob ng Shimane Prefecture na may koneksyon sa Mame Net, maaaring tingnan ang mga impormasyon tungkol sa pagpapatingin at paggamot atbp. kung sumang-ayon ang pasyente.
Sa pamamagitan ng pagbuo at pamamahagi ng linked medical records mula sa mga medikal na impormasyon ng mga pasyente na dati ay hiwa-hiwalay sa maraming medikal na institusyon, magiging posible ang higit na tumpak na diyagnosis at ligtas na proseso atbp. kapag magsasagawa ng diyagnosis o paggamot, pagrereseta ng gamot, atbp.
May inilaang reception para sa aplikasyon sa malapit sa escalator sa ika-1 palapag.

Tungkol sa paglabas at pagtulog sa labas ng ospital

Sa pamantayan, hindi pinahihintulutan ang paglabas at pagtulog sa labas ng ospital sa loob ng panahon ng panunuluyan sa ospital. Kung nais lumabas o matulog sa labas ng ospital, kailangan muna ng pahintulot ng in-charge na doktor.
Pagkatapos kumonsulta sa in-charge na doktor at nars, isulat ang kinakailangang detalye sa "aplikasyon para sa paglabas o pagtulog sa labas ng ospital" at isumite ito, pagkatapos ay siguruhing tanggapin ang "pahintulot sa paglabas o pagtulog sa labas ng ospital." Ang pagtulog sa labas ng ospital ay hanggang 2 gabi (3 araw) lamang.

Tungkol sa pagtatapos ng panunuluyan sa ospital

Ang pagtatapos ng panunuluyan sa ospital ay pinagpapasyahan ng pangunahing doktor at in-charge na doktor. Kumonsulta sa punong nars ng hospital ward tungkol sa araw ng paglabas ng ospital.
Sa pamantayan, ang paglabas ng ospital ay dapat sa umaga.
Kung patuloy na magpapatingin sa ospital na ito pagkatapos ng panunuluyan, kumuha ng "papel para sa pagpapareserba ng pagpapatingin at paggamot [shinryō yoyakuhyō]" sa "reception para sa mga bayarin [kaikei uketsuke]" pagkatapos magbayad.
Sa oras ng paglabas ng ospital, kumpirmahin ang "papel ukol sa pagtatakda sa paglabas ng ospital [taiinji shijihyō]," "papel para sa pagpapareserba ng pagpapatingin at paggamot," "gamot," atbp.
Dahil sa hindi maiiwasang dahilan, maaaring hindi matapos hanggang sa oras ng paglabas ng ospital ang pagkakalkula ng mga bayarin sa panunuluyan sa ospital, at magsasagawa ng dagdag na paniningil pagkalabas ng ospital kapag nangyari ito, kaya't sana ay unawain ang bagay na ito. May pagkakataon din na may idaragdag na bayarin sa oras ng paglabas ng ospital kung may hindi nabayaran hanggang sa nakalipas na buwan.