Tungkol sa pagdalaw

Rekomendasyon sa pagdalaw

Ang pagdalaw ay nakakapagpasaya ng damdamin ng pasyente at nakakatulong sa pagbuti ng kanyang kalusugan. Isaalang-alang ang kalagayan ng sakit ng pasyente at dumalaw.

Tungkol sa pagdalaw

Sinasagot ang mga katanungan tungkol sa pagdalaw sa pangkalahatang gabay at sa kuwarto ng guwardiya.
Iwasan ang pag-alok ng inumin sa kuwarto ng pasyente kapag may dumalaw. Sa pamantayan, harapin ang bisita sa kapiterya ng hospital ward.
Hindi namin sinasagot ang mga katanungan (kung nanunuluyan sa ospital o hindi, kung maaaring dumalaw, atbp.) sa telepono, kung kaya’t sana ay unawain ito.

Limitasyon sa pagdalaw

Sa pamantayan, walang limitasyon sa oras ng pagdalaw.
Isaalang-alang na hindi dapat mapagod ang pasyente, at iwasan ang mahabang oras na pagdalaw.
Para hindi mahawahan ng sakit, iwasan ang pagdalaw kung may lagnat, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pagsusuka, pagtatae at iba pang sintomas.

Unawain na tinatanggihan ang pagdalaw sa mga sumusunod na pagkakataon.

  • Kung kinakailangang limitahan ang pagdalaw dahil sa kalagayan ng sakit ng pasyente
  • Kung kailangangang mamahinga at matulog ng pasyente
  • Kung kailangang magsagawa ng pagtingin at paggamot, pagsusuri, proseso, atbp.
  • Kung nagpapasuso
  • Kung makakahadlang ito sa pagpapagaling ng pasyente dahil sa pagdalaw sa gabi o masyadong maagang pagdalaw

Unawain maaaring tanggihan ang pagdalaw tulad ng mga sumusunod.

  • Pagdalaw na labag sa kagustuhan ng pasyente
  • Pagdalaw na may kasamang bata (lalo na pagdalaw na may kasamang bata sa kuwarto para sa 4 na tao o sa intensive care unit, o kaya ay sa kuwarto para sa ina at sanggol sa maternity ward sa ika-5 palapag)
  • Sabay-sabay na pagdalaw ng maraming tao
  • Patuloy na pagdalaw nang walang pahinga

Hinihingi namin ang inyong pakikipagtulungan upang hindi makaabala sa pagpapagaling ng ibang pasyente kapag dumalaw sa kuwarto para sa 4 na tao. (lalo na sa pagdalaw na may kasamang bata)
Para sa pagpapagaling ng pasyente, ipinapakiusap namin na umuwi ang bisita bago ang 8:00 ng gabi,kung kaya’t sana ay makipagtulungan.
Ang oras na bukas ang gitnang pasukan ay 8:00 ng umaga ~ 5:00 ng hapon.
Gamitin ang pasukan sa oras na hindi saklaw ng oras ng serbisyo kung sarado ang gitnang pasukan.
Hindi maaaring magparada sa parking para sa outpatient emergency visit sa hilagang banda ng main building, dahil para lamang ito sa outpatient visit para sa advanced critical care and emergency. Gamitin ang outpatient parking sa timog na banda at silangang banda ng main building.