Proseso sa oras ng panunuluyan sa ospital

Pagpunta sa ospital at proseso sa oras ng panunuluyan sa ospital

Kung may reserbasyon para sa panunuluyan sa ospital, pumunta sa “general reception [sōgō uketsuke]” sa ika-1 palapag o kaya ay sa “support center para sa panunuluyan o paglabas ng ospital [nyūtaiin support center].”
Sa oras ng panunuluyan sa ospital, ipasa ang mga sumusunod sa “general reception” sa ika-1 palapag o kaya ay sa “support center para sa panunuluyan o paglabas ng ospital.”

Mga bagay na ipinapapasa sa lahat ng pasyenteng manunuluyan sa ospital

“Patient registration card” “Insurance card” “Aplikasyon sa panunuluyan sa ospital” “Dokumento ukol sa guarantor at garantiya sa pagbabayad ng mga bayarin sa pagpapagamot atbp.” “Para sa mga pasyenteng nanunuluyan sa ospital (kasaysayan ng panunuluyan sa ospital sa loob ng nakalipas na 3 buwan)” “Pagpapaalam ng kagustuhan ukol sa paggabay tungkol sa pagdalaw”

Mga bagay na ipinapapasa sa mga pasyenteng mayroon nito

“Nursing care insurance card” “Sertipiko sa pagtanggap ng benepisyo mula sa publiko para sa mga medikal na bayarin” “Sertipiko ng pagbabawas o iksemsyon ng buwis para sa bayarin sa pagkain at pagpapagaling sa panahon ng panunuluyan sa ospital” “Sertipiko ng pagtanggap ng benepisyo para sa mga medikal na bayarin ng sanggol o bata atbp.” “Sertipiko ng sistema ng pagbibigay ng bagay bilang tulong sa mga may malaking halagang bayarin sa pagpapagaling”

Mga bagay na ipinapapasa sa mga pasyenteng hihiling nito

“Aplikasyon para sa damit sa ospital” “Aplikasyon at kasunduan ukol sa pagpasok sa espesyal na kuwarto”

 

Kung may pagbabago sa tirahan, contact details, atbp. sa “insurance card” o “sertipiko ng pagtanggap,” tiyaking ipakita agad ito sa “general reception” sa ika-1 palapag.

Mga dadalhin sa oras ng panunuluyan sa ospital

  • Damit sa ospital (pantulog atbp.)
    Para lamang sa may gusto nito, may itinakdang damit ng ospital na ito na ipinapahiram nang may bayad.
    Sabihin lamang sa kawani sa “general reception” sa oras ng panunuluyan sa ospital, o kaya ay sa nars kung nanunuluyan na sa ospital. Ipapaliwanag ang detalye sa pagkakataong ito.
  • Sibilyan na damit
    nirerekomenda namin ang pagbibihis sa sibilyan na damit pagkagising sa umaga kung hindi ito makakahadlang sa mga proseso, pagsusuri, atbp.
    Panloob na damit, tissue paper, sapatos/tsinelas, hanger, basurahan at iba pang kagamitang kailangan sa paligid
  • Sapatos
    Maghanda ng sapatos (sports shoes atbp.) na tinatakpan ang sakong at hindi ang tsinelas.
  • wash basin, tuwalya, sabon (body soap), shampoo, sipilyo, pang-ahit ng bigote at iba pang kagamitan sa banyo, nailcutter, lalagyan ng pustiso kung kailangan
  • maliit na takure, baso, chopsticks, spoon at iba pang gamit na kailangan sa pagkain
  • notebook, ballpen at iba pang kagamitan sa pagsulat
  • Nagtitinda ng mga pang-araw-araw na kagamitan sa pamumuhay sa tindahan sa ika-1 palapag.
  • Pakisulatan ng pangalan ang mga dinalang gamit.

Mga babala sa panahon ng panunuluyan sa ospital

Sa loob ng panahon ng panunuluyan sa ospital, hinihingi namin ang inyong pakikipagtulungan sa mga sumusunod na bagay para sa aming pagmamasid sa kalagayan ng inyong sakit.
Hangga’t maaari ay huwag maglagay ng makeup.
Pakitanggal ang manicure, artificial nail, pedicure, gel nail, atbp. bago manuluyan sa ospital.